Friday, July 2, 2010

Nicky is Legal

ok. so antgal ko hindi nag update ng blogspot hehe! super busy kasi inasikaso ko muna lahat ng school works. tinapos ko na lahat bago mag wednesday at nag aral na din ako para sa mga quizzes para sa thursday (july 1, 2010) kasi nga wednesday (june 30, 2010) eh may debut kaming pupuntahan sa Ibarra’s Garden (padre faura, manila) tapos gimmick pa after at overnight din yun. ilang beses na minove ang party ni nicky at pangatlong re-sched na ito dahil andaming nangyayari kapag magseset na sya ng date. namatay ang lola niya nung 2nd re-sched. buti ito natuloy na, at puro kami change plan. sayang di natuloy ang balak namin gumimick sa dolce sa tomas morato. so ganito ang nangyari.

Wednesday of June 30, 2010 around 1 pm nag punta ako sa condo ng friend ko na si Jeba sa may Mandaluyong. dun na kami nag ayos ng sarili namin :D

tapos nung natapos na kami mag ayos. picture muna :D





we left the condo at around 6 pm. Nakarating kami ng Lotus Garden Hotel at around 6:30 pm dahil wlang traffic. nag burn pa kasi ng cd na kakantahin sila Jeba at Chuck kaya napaaga din kami at iniwan din muna namin yung mga gamit namin sa Hotel since doon din kami mag oovernight. Tapos mga 7 pm since walking distance lang ang hotel sa Venue ng debut, naglakad na lang kami papunta doon tapos super picture muna ulit :D





since naghihintay pa naman kami na magstart eh kausap ko muna ang Boyfriend and last dance ni nicky :D si Aito.

nung natapos ang debut picture muna bago iwan ang venue at bago gumimick haha! nasa likod pa ang debutante singit sa picture haha!

then, pumunta kami ng PADIS POINT SA MALATE at dun na lang kami gumimick para malapit sa hotel na tutulugan namin.WE Bought 2 towers, 1 tower of ZOMBIE and 1 tower of After shock. Aun inuman nanaman :)

1st drink. Tower of Zombie

2nd drink. Tower of After Shock :D

tapos habang umiinom eh nasa dance floor kami at sumasayaw. namiss ko ito sobra. syempre picture pa din :D






around 3:45 am eh nag bill out na kami at bumalik na kami sa hotel. pero bago yun dumaan muna kami ng 7 eleven dahil bumili ako ng coffee. Kamusta naman gumimick pa talaga kami lahat kahit may pasok kami ng 7 AM LAHAT oha! haha! pagbalik namin sa hotel. Nag shower ako agad. di kasi talaga ako sanay ng natutulog pag gabi ng di nag sa-shower. Kahit anong oras pa yan basta bago matulog kailangan nag sa-shower ako. nakatulog kami ng mga 4 am pa. Nag alarm ako ng 5:00 am para magising kami lahat ng 5 am dahil may pasok pa ng kinabukasan. Pag gising namin ligo na agad at bihis agad. pero as expected. bangag lahat dahil walang tulog. kitam naman nakaligo na bumalik pa kami sa kama haha!

we left the hotel at around 6:20 am. Sobrang bilis ng byahe dahil malapit lang naman ito sa Letran. 10 mins lang. maaga pa naman, 6:30 am lang nakarating na kami sa Letran. since 7 am pa ang class namin, dumaan muna kami ng 7 eleven na tapat lang ng Letran para mag breakfast. Dun namuna kami kumain. Pag pasok namin may mga bangag pa itsura namin. wala kasi talagang tulog. Dagdag mo pa ang first quiz ng first subject na Statistics. oha! Pasado naman ako kasi nag aral ako nung wednesday. Badtrip lang 40/50 ang score ko pano ba naman di ko alam gawin yung dalawang graph eh 5 pts pa naman isa yun haha! ayos lang basta pasado :D nakauwi ako ng bahay galing school mga 5:30 lang at pag uwi ko bagsak talaga ako sa kama. sobrang puyat. Ayos lang sobrang masaya naman :D BELATED HAPPY BIRTHDAY ULIT “KEMELYN NICHOLE H. NAVA”.. I LOVE YOU :D


No comments:

Post a Comment