Wednesday, June 23, 2010

Plan B for Saturday

may Plan B daw para sa Saturday (hanep parang basketball lang, plan B hahaha!) after ng party namin, tutuloy daw kami sandali sa house ng dapat na pag- o-overnight-an namin na bahay. Nag offer si Tita na mommy ni Jez, pag dating namin sa house nila, pahinga lang sandali tapos mga 3 am dadayuhin namin ang cavite. Magka-car na lang kami syempre kasama siya hehe. Sagot daw niya ang entrance fee naman lahat sa resort tapos ambag na lang daw kami sa food. Food na lang ang gastos namin ng tropa. Mag swimming kami tapos Kayak Boating, Jetski pa ata kahit medyo may kamahalan GAME! hahaha! jusko kamusta naman kami nito bangag na bangag na. diretso walang tulog. Saturday morning aalis kami. Punta kami ng Araneta Coliseum kasi manonood kami ng Opening ng NCAA, expected na namin na talo ang Letran dahil Baste (san Sebastian) ang kalaban. sus! talo na agad haha! pero kahit na ganon pa man suportado pa din namin ang aming school. Proud letranista kami :D saka ayos lang na matalo ang mahalaga kabilang pa din kami sa Final 4 ng NCAA last season ewan ko lang ngayon. tas pagtapos ng game diretso na kami sa house ng pag oovernight-an namin. Mag aayos na kami para sa debut ni Nicky. Tapos ayon na after ng party kung saan na mapadpad kung sa Cavite o sa Timog hahaha!

No comments:

Post a Comment