Wednesday, June 23, 2010
Just Got Home from Laguna :D
Yes! I went to Laguna after class. Nag end kasi ang class ko ng 1 pm lang. Lumipat na kasi ng house sila Fiel, hindi na sila sa Meycauayan, Bulacan nakatira. After maoperahan ni tito sonny (fiel’s dad) parang naisip niya na mag move na sila sa Laguna, malapit sa house ng sister niya, si tita Nerisse (fiel’s aunt na super bait din :D) kakalipat lang nila Fiel sa BELAIR, LAGUNA parang ilang weeks ago pa lang. actually, di pa tapos ang house nila na pinturahan pero ang cute ng porma :D 2 story lang siya tapos may 3 bedrooms and 2 bathrooms saktong sakto lang sa kanila na pamilya. actually parang bunggalo style lang ang tawag sa house. isang floor lng tlga tapos may hagdan, pag akyat mo may dalawang pinto, isa sa left at isa sa right kwarto lang ung dalawang yon. ang cute ng house bold peach ang color sa labas :D Sabi kasi nila bisitahin ko naman daw ang house. so ako naman si GO hehe. Madalang ako pumunta sa bahay ng boyfriend ko. Kahit nung nasa Bulacan pa sila nakatira eh bilang na bilang lang talaga sa daliri. Hindi naman sa wala akong oras or what. Kung oras lang usapan, marami ako nyan basta masabihan ako ng maaga eh mapaparaanan ko agad yan. Kaso ako lang talaga ang may ayaw. Ayaw ko na pumupunta sa bahay ng boyfriend ko ng wala naman talaga purpose. TIpong hang out lang kayo dun sa bahay..tss! di ko ugali yun. mas gusto ko na siya ang pupunta sa bahay namin. 2 years na kami next month pero grabeng bilang lang talaga sa daliri ang araw na bisita ko sa bahay nila kasama na yung ngayon sa Belair sa Laguna. Mas gusto ko na legal ang pagpunta ko doon. Yung tipo ng inimbitahan talaga ako ng magulang niya. Ilang beses na din ako ininvite sa mga family gatherings nila kaso di naman ako nakapunta, naka-chat ko pa nga minsan ang tita nya na madre, bgla ako ni-pm kasi gusto daw nila ako sumama. Sa totoo lang, gusto ko na ayaw ko, pero mas nananaig ang ayaw ko. nagsasabi na lang ako ng excuses na kunwari may gagawin ako, alam naman ni fiel na ganun. Para sa akin kasi di pa tama ang timing, tama na muna sa akin yung nameet ko ang parents nya. Saka na lang siguro yung iba. Syempre gusto ko muna yung kahit paano eh nakikilala ko sila isa isa. Ganun ako sa pamilya nila eh. Ayaw ko yung maghihintay ako ng ONE TIME BIG TIME EXPERIENCE na bgla bgla ko na lang mamemeet sila lahat ng isahang bagsak. Di ako feelingera na ganun katapang. Mas gusto ko ung isa isa muna at kikilalanin ko din sila para kapag nakita ko sila sabay sabay, alam ko kung paano ko ilulugar ang sarili ko. Swerte kanina nakabisita ako, Tamang tama lang kasi ang timing dahil wala naman ako pasok bukas, Manila day kasi.. kaya aun PARTY hahaha joke!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment