HELLO TUMBLR :D kakauwi ko lang pero laptop ko nanaman ang inasikaso ko agad :D naloloka kasi ako sa topic namin kanina habang yosi break..di ako nag smoke ok? nakisama lang ako sa mga kaklase ko na bumaba. at ayun nga nagkwentuhan kami habang binigyan kami ng 30mins na break ng isang prof :D
apat kami, tatlo kaming babae at isang lalaki :D well, siguro naman eh wala naman masama na pag usapan namin iyon duh! di na bago ang usapang tinutukoy ko kasi alam kong alam nyo din naman ito. di na malaking issue yan sa buhay kasi para ngang normal na lang.
Kakawentuhan ko ang mga kaklase ko habang nag yoyosi break (di ko na imemention ang pangalan nila, for privacy purpose pero trip ko lang ikwento dito kasi nakakatuwa, i dunno pero ayos sila aun lang masasabi ko haha). Siguro naman alam nyo kung ano ang tinutukoy ko dito diba? well sige, if kulang ka sa CS eh tungkol sa Sex yun.
Ganito kasi, bigla lang napasok sa usapan namin un.. Nagulat ako ng biglang tinanong sa akin ng isa sa mga kaklase ko na babae “TEN, VIRGIN KA PA BA?” so ako naman gulantang talaga sa tanong pero syempre naging honest naman ako and i said “yes” tapos bigla siya nagkwento about dun. Ilang beses na din daw may nangyari sa kanila ng boyfriend niya eh kasi ba naman 3 years na sila tagal na din kaya sabi niya hindi na din daw maiiwasan yun. Pati si ate K***** na kaklase din namin eh nagkwento, tinanong ko kasi siya sabi “ate ikaw ba?” sabi niya “di na, ang tagal na kaya naming ng boyfriend ko 5 years na” so ako naman napa-wow. tinanong nila ako kung bakit wala pa at tinanong din nila kung gaano na ba kami nagtagal, sabi ko 1 year and 3 mos tapos nasabi ko na din na wala pa kasi hindi ko pa kaya ibigay merong point siguro na almost na pero wala pa din. nagbiro pa nga ako ANG HIRAP HIRAP KAYA MAG ALAGA NG SARILI PARA MAPANITILI MONG PURE KA PA. sabi ko saka ko na lang ibibigay kapag sigurado na ako pero sabi ko din, ayoko din magsalita ng patapos dahil hindi natinalam kung anu pa ang mga bagay na maaaraing mangyari. pero hanggat kayang pigilan eh pipigilan.
para sa akin, yung mga na-share nila eh hindi na bago sa akin ang issue na yan. GALING AKO SA ISANG ALL GIRLS NA SCHOOL WHEN I WAS IN SECOND YEAR, OO EX PAULINIAN AKO for one semester lang ng highschool, ST. PAUL UNIVERSITY QUEZON CITY to be exact. isa kami sa eskwelahan na sinasabing PURO SOSYALERA AT BITCH. ganun naman ata talaga kapag all girls. o baka dahil siguro kilala lang ang school ko dati na ganun? Madami akong kaklase lalo na nung highschool pa lang ako sa Paul na ganyan. bata pa kami noon. Actually, meron akong friend na nabuntis pa. Hindi lang yan, madami din ako mga kabatchmate sa LA SALLE na after namin grumaduate ng highschool eh nabuntis din. Pero alam niyo mga pare. ang mga ganyang bagay o issue eh may kanya kanyang pananaw ang bawat nilalang dyan. Ako bilang isang TAO na din eh masasabi kong walang perpektong tao sa mundo. lahat nagkakamali at nagkakaroon ng kasalanan, hindi masama kung minsan sa buhay eh napunta ka o nadaan ka sa ganyang landas, wala naman masama diba? Ang mahalaga doon may natutunan ka. siguro sa mata ng iba eh oo masama yun but thinking about it beyond the naked eyes can see? masasabi kong partly eh hindi mali yun, minsan talaga pag nagmahal ka ng tao ng sobra sobra at matagal na kayo gaya ng dalawang friends ko na kakwentuhan ko sa yosi break eh syempre di mo maiwasan na maibigay na din ang bagay na paka-ingat ingatan mo sa sarili mo. Siyempre kasi trusted mo yung tao diba?
Minsan naiirita ako sa mga taong nagpopost ng kung ano ano, katulad na lang ng typo na pinost ko kagabi. Hindi ba at nakakairita na may mga ganung tao na akala mo eh kung sino kung makapanghusga? Mga dude! subukan ninyong lumagay sa katawan ng taong inaalipusta ninyo at inookray ninyo? ewan ko lang kung di kayo masaktan. GAYA NGA NG SINABI KO WALANG PERPEKTONG TAO SA MUNDO. Sige kayo nga? gaano kayo kasigurado na hinding hindi niyo gagawin yang bagay na yan sa sarili niyo hanggat hindi pa kayo kasal? tsk! WAG KAYONG MAGSALITA NG PATAPOS DAHIL MADAMI DYAN EH NAKIKIPOST LANG PERO DEEP INSIDE SILA PALA ANG MGA PA-BIRHEN EPEK, MARIA OZAWA NGA KUNG BAGA, NAGPAPANGGAP PANG PA-MARIA CLARA.
Grabe na ang discrimination sa mundong ito. Mga pare, subukan nyo kayang magmatured ng pag-iisip at baka sakali eh maintindihan niyo ang mga nararamdaman ng mga tao na inookray ninyo. Generally speaking, madami ang mga ganyan na akala mo eh kung sino kung umasta, hoy wag kayong mga kupal na akala nyo eh napakalilinis ninyo. Baka mamaya kabaliktaran pa ang mga ginagawa ninyo sa sinasabi ninyo. nako, kaawaan kayo!
May isa pa akong kakilala sa school namin, iritang irita ako sa kanya. Ang lakas ng loob mamintas tungkol sa ganitong bagay..tipong sasabihin niya si ganito eh di na ano. Jusko! sana mabasa niya ito para naman matauhan siya. Alam mo sa totoo lang asar na asar ako sayo. Kasi maaaring ako di pa nakaka experience ng ganyan pero nararamdaman ko ung sakit sa pakiramdam ng mga taong nadidiscriminate dahil sa ganyang issue. Nako naman!
Minsan naranasan ko sa buhay na may nagkakalat na hindi na daw ako virgin. Tinawanan ko na lang siya. ISA LANG ANG SINABI KO, AT LEAST AKO GINAGAMIT KO UTAK KO PARA ALAGAAN SARILI KO EH IKAW? SAN NAPUNTA? BUMABA SA PWET? Ang lakas ng loob na ipasa sa akin ang bagay na di ko pa naman ginawa. HINAMON KO PA NGA, sinabi ko kung gusto niya eh magdalahan kami ngayon sa doktor para lang magkaalaman na kung sino talaga PA-MARIA CLARA EPEK sa amin. highschool pa lang ako nun ng narinig ko yung balitang yun. AT, GALING SIYA SA GIRLFRIEND NG EX KO.. hahahah!
MAY ISA PANG NAKAKALOKANG TANONG SA FORMSPRING KO. SINABI BA NAMAN..
“VIRGIN KA PA BA?” ako naman ay naloka. ay jusko! OPO birhen pa hahaha! eeehhh! kasi naman! nakakaloka kaya ang mga ganyang tanong, siyempre kahit di ka pa nakaka experience, nakaka intimidate kaya ang mga ganyang klase mg tanong haha! errr! kung sino man yun! nako! ang sarap mong tawanan hehe! wala pa nga kasi. napaka excited naman! bata pa ako! next time na pag ready na ako hahaha! sige kwento ko ng bonggang bongga pakilala ka kung sino ka man na nagtanong ka at isesend ko sau ang buong detalye! wahahaha!
ayun lang naman. isa lang ang mapapayo ko sa mga tao dito na bumabasa nito at nakakarelate sa storya ko. MAG PARE WAG NINYONG IISIPIN NA PORKE NAWALA NA SA INYO YAN EH NAGSTOP NA ANG BUHAY AT WALA NA KAYONG DIGNIDAD, IF ONLY YOU GUYS KNOW THAT YOU ARE ALL WORTH MORE THAN WHAT YOU THINK :D saludo ako mga pre! kasi matatapang kayo. ayan lang din ang mga nasabi ko sa mga kaibigan ko dati na umiiyak sa akin dahil sa ganyang bagay. WAG NINYONG PAG SISIHAN KASI GINUSTO NIYO DIN KUNG SA TINGIN NIYO MAN EH NAGKAMALI KAYO EH LEARN FROM YOUR MISTAKES NA LANG, WALANG MASAMA KASI LIFE DOESN’T END THERE. :D MALAY NIYO MAS MADAMING MADAMI PA ANG OPPOTUNITY NA MAAARING MAGING MAGANDANG KAPALIT NUN. :D aun lang :D
No comments:
Post a Comment