Sasabihan kang pangit kasi naiinis sila sayo at ang masaklap sa paraang hindi mo sila makikilala. Tulad nalang ng formspring o tumblr ask dun ka nila kagagalitan. Para saan? Para bumaba ang tingin mo sa sarili mo? SORRY! Pero sa tuwing nilalait ako ng ibang tao at sinasabihan ako ng di kanais nais di ako nawawalan ng tiwala sa sarili ko sa makatuwid lalo pa akong naaawa sa kanila. Bakit? KASI HINDI NILA MAAYOS ANG BUHAY NILA KAYA GINAGANYAN NILA ANG IBANG TAO. Aasenso kaba sa ginaagwa mo ha? hijo/hija?
Masyadong makikitid ang utak ng iba husga ng husga sa mga bagay na nakikita lang ng mga mata nila. Bakit naisip niyo ba na tignan ang pangloob na anyo ng isang tao? Yung damdamin nilang nasasaktan sa pangungutya mo? Malamang hindi. Padalos dalos ka sa iyong mga sinasabi na pawang walang masasagasaang damdamin.
Ako kapag may mga taong di ko kakilala na sinasabihan akong pangit tingin mo maniniwala ako?
Ayusin mo ang buhay mo, hindi habangbuhay e mananatili ka sa mundong ito ngayon palang umpisahan mo nang magbago. Ang galing mong manlait, pero sarili mo hindi mo maayos. Ang galing mong makialam sa buhay ng iba pero sarili mong buhay walang patutunguhan.
Kung sa pesteng pagsesend ng HATE MESSAGES e AASENSO KA okay fine! Gawin mo! Kaso hindi e! Wala kang mahihita. Lalo na sa akin wala kang mahihita kung kaaasaran mo ako. ALAM MO KUNG BAKIT? Alaskadora kasi ako at mas lalong di ako pikon. Sa mga hate messgaes na natatanggap ko tuwing umaga lalo pa akong ginaganahan. VITAMINS? oo!
Napagtanto ko na marami pala talagang mabababaw na nilalang sa mundo na hindi pa nilalamon ng lupa ng tuluyan. Alam mo awang awa ako sa mga taong ganyan. Wala bang nagmamahal sayo? Aba’y kawawa kang talaga.
Ako’y tatawa nalang sa kababawang pinapakita mo. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG SAYA MO NA NYAN HA? Tawa lang baka kasi bukas makalawa wala ka nang mga ngipin para makatawa. Oh shit! San napunta? Ewan baka tinanggal ko isa isa. *devil grin*
May araw ka rin. Naniniwala ka ba sa “KARMA”? pwes humanda kana malapit na siya *belat*at kapag sinundo kana ni Madam Karma tandaan mo lahat ng masamang ginawa mo, mga taong nasaktan ng bibig mong walang kabait bait. PAGSISISIHAN MO RIN YAN. :)
MABAIT KA = MABAIT AKO
MASAMA KA =
Pa isa pa nga t(-_-t) ayan. :>
No comments:
Post a Comment